Monday, November 26, 2012
NINONG (PART 14/16)
< PART 13/16 NINONG 14 PART 15/16
"Kailangan
mong umuwi agad. Importante lang." ang bungad ni Ninong ng sagutin ko ang
celphone ko.
"Bakit
po ba Ninong?" ang tanong ko naman.
"Sasabihin
ko na lamang dito pagdating mo." ang tugon naman ni Ninong.
"Ano po
ba yun Ninong? Gaano po ba kaimportante iyon?" ang mga tanong ko kay
Ninong.
"Basta,
uwi ka na agad. Sakay ka na ng bus pabalik dito sa Maynila." ang pagpupumilit
ni Ninong.
Hindi na ako
nakapagtanong pang muli dahil pinutol na ni Ninong ang aming usapan. Bigla
akong kinabahan. Hindi tatawag ng ganoon si Ninong kung walang masamang
nangyari. Pero ano kaya iyon? Hindi ko matanto kung ano ang dahilan ni Ninong
sa kanyang pagtawag. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Nagpalit lamang ako ng
damit at nagtungo na ako sa bus station. Naisin man ni Walt na samahan ako ay
hindi ako pumayag. Nagpalitan na lamang kami ng celphone numbers para may
communication pa rin kami kung sakaling hindi na kami muling magkita sa Baguio
sa aking pagbabalik.
Maliwanag na
ng marating ko ang aming bahay sa Maynila. Nakasara ang gate at tila walang tao
sa loob dahil nakailang pindot na ako sa doorbell ay wala pa rin nagbubukas ng pinto
at gate para sa akin. Kaya naman minabuti ko na lamang puntahan ang bahay nina
Ninong. Nang malaman nila na ako ang tao sa gate ng bahay ay agad lumabas ang
aking kinakapatid na si Giselle. Sila lamang dalawa ni Ninang ang nasa bahay
nila. Sa paglapit sa akin si Giselle at Ninang ay napahagulgol agad sila sa
iyak.
"Bakit
po Ninang? Ano pong nangyari?" ang mga tanong ko kay Ninang.
"Wala na
ang Mommy mo. Katatawag lang ng Ninong mo. Iniwan na nya tayo kaninang
alas-kwatro ng umaga." ang tugon ni Ninang.
"Hindi
ko kayo maintindihan. Ano po bang sinasabi ninyo?" ang paghingi ko ng
linaw sa nasabi ni Ninang.
Hindi agad
makasagot si Ninang dahil sa paghagulgol niya sa iyak. Ako man ay nagsimula na
ring umiyak. Si Giselle na lamang ang sumagot ng aking katanungan.
"Naaksidente
sila kagabi. Ang Mommy at Daddy mo. Sinundo ng Daddy mo ang Mommy mo sa isang
party ng opisina nila. Yun lang so far ang alam namin. Parang nabangga sila ng
isang bus at grabe ang lagay nila kagabi. Kanina lang tumawag si Daddy ay sinabi
nga na hindi na nakayanan ng Mommy mo ang natamo niyang pinsala. Wala na ang
Mommy mo." ang paliwanag ni Giselle na hindi na rin naipagpatuloy ang
kwento dahil napahagulgol din siya sa iyak.
Nakuha ko na
ang nais nilang sabihin. At ako naman ang napasigaw sa pagtawag ko sa pangalan
ng aking Mommy. Tuluyan na rin akong humagulgol sa iyak.
"Eh ang
Daddy? Kumusta na siya?" ang muli kong pagtatanong ng maisip ko si Daddy
sa gitna ng aking pagdadalamhati ng mga sandaling iyon.
"Nasa
critical condition pa siya. 50-50 chances din na makaligtas ang Daddy mo."
ang maikling tugon ni Ninang.
"Saang
hospital po ba sila ngayon?" ang tanong ko na naman.
Matapos
ibigay sa akin ni Ninang ang pangalan at address ng hospital ay agad na rin ako
umalis. Sa pamamagitan ng taxi ay ilang minuto lamang at nasa hospital na ako.
Agad kong ipinagtanong at hinanap ang silid na kinaroroonan ni Daddy. Sa
hallway kung saan naroroon ang ICU na kanaroronan din ni Daddy ay sinalubong
ako ng mga kinakapatid kong sina Kuya Gilbert at Gabby. Wala doon si Ninong
dahil inaasikaso niya ang mga labi ni Mommy. Hindi rin ako pinayagan makapasok
sa ICU upang malapitan ko si Daddy. Sa balikat ni Kuya Gilbert ko na lamang
naibuhos ang aking pag-iyak. Wala kaming nagawa kundi maghintay pa sa ano mang
sasabihin ng doctor.
Maya't maya
pa dumating na si Ninong. Ibinalita niya sa amin na naisaayos na niya ang
pagbuburulan ni Mommy. Hindi ko na rin pwedeng masilayan ang mga labi ni Mommy
dahil nasa funeral parlor na daw ito at tatawagan na lamang daw si Ninong kung
ayos na ang lahat sa funeral chapel na napili ni Ninong. Maliban sa mga
impormasyong iyon ay wala na rin kaming napag-usapan ni Ninong. Hindi din ako
napilit isama ni Ninong na mag-almusal ng mga oras na iyon. Nanatili na lamang
akong nakaupo sa silid na kalapit ng ICU. Tila ba wala na akong pakiramdam ng
mga sandaling iyon. Hindi ko na maramdaman ang pagkagutom o pagkauhaw. Nanatili
na lamang akong nakatingin sa salamin na namamagitan sa aming kanya-kanyang
kinalalagyan ni Daddy.
Ilang minuto
pa ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto.
"Hi.
Kumusta na ang Daddy mo." ang tanong ng taong pumasok.
"Emil,
anong ginagawa mo dito? Papaano mo nalaman na nasa hospital si Daddy." ang
mga tanong ko kay Emil.
"Tumawag
ako sa opisina ng Daddy mo at nabalitaan ko ang nangyari sa kanila ng Mommy mo.
I'm sorry for what happened to your parents." ang tugon ni Emil.
Hindi ko alam
kung magagalit o matutuwa ako sa pagdating na iyon ni Emil. Subalit dala na rin
ng aking paghihinagpis sa sinapit nina Daddy at Mommy ay bigla na lamang akong
napayakap kay Emil sabay hagulgol sa iyak.
"Everything
will be ok soon. Don't worry. Kaya mo yan." pilit pinapakalma ni Emil ako.
"I know.
Pero wala na ang Mommy. Si Daddy naman ay hindi pa rin maayos ang lagay."
ang mga nasabi ko pa kay Emil.
"Don't
worry. I'm still here. And I will always be by your side. Promise ko yan."
ang nasabi naman ni Emil.
Kapwa kami
naupo ni Emil sa isang sopa. Nakaakbay siya sa akin at nakasandal naman ang
aking ulo sa kanyang balikat. Hindi ko talaga mapigilan ang pagluha sa tuwing
maiisip ko ang nangyari sa aking mga magulang. Pero dahil na rin sa presence ni
Emil ay kumalma din ang aking pakiramdam. Ilang minuto pa ang lumipas ay
dumating na rin sina Ninong at ang dalawa kong kinakapatid. Matapos kong
ipakilala si Emil sa kanila ay napilit din ako ni Emil na kumain ng almusal
kahit papaano.
Pabalik na
kami noon ni Emil sa may ICU ng biglang napansin namin ang pagmamadali ng mga
nurse at doctor papunta din sa ICU. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso na
tila ba nararamdaman ko na may masamang nangyari na kay Daddy. Napatakbo tuloy
ako at sumunod din si Emil. Subalit hindi pa man ako nakakalapit sa pintuan ay
biglang lumabas si Ninong dala ang masamang balita na pati si Daddy ay binawian
na rin ng buhay. Napasigaw ako ng marinig ko iyon at tila ba gusto ko na ring
mamatay ng mga sandaling iyon. Niyakap ako ni Ninong na hindi na rin napigilan
ang pagtulo ng kanyang luha. Si Emil din ay hindi na rin napigilan ang pagluha.
Simula ng
umagang iyon hanggang sa mailibing ang aking mga magulang ay hindi umalis sa
aking tabi si Emil. Ayaw nya sana akong iwan matapos ang libing dahil mag-iisa
na ako sa aming bahay. Subalit kailangan niyang bumalik sa Baguio upang
mag-attend ng kanilang graduation. Alam ko naman na importante iyon sa buhay ng
isang estudyante. Kaya naman pinilit ko siyang mag-attend ng kanilang
graduation. Nang matapos ang graduation ni Emil ay agad din siyang bumalik sa
Maynila. Medyo nanumbalik na rin ang aking sigla ng dumating siya sa bahay.
"Kumusta
ang graduation ninyo?" ang tanong ko sa kanya.
"Okey
naman. Medyo maayos daw ngayon compare noong isang taon dahil hindi na
pinayagan ang pagkuha ng picture sa may entablado. Yung official photographer
na lamang ang nakalapit sa stage." ang tugon naman ni Emil.
"Salamat
pala sa paggabay mo sa akin. Hindi ko makakayanan ang lahat kung wala ka sa
tabi ko." ang nasabi ko sa kanya.
"Ganyan
talaga ang nagmamahalan. Damayan sa lahat ng oras. Walang iwanan." ang
nasabi naman ni Emil.
"Totoo
ba yan?" ang medyo pabiro kong naitanong kay Emil.
"Ikaw
naman. Kailangan pa bang itanong iyan?" ang nasabi naman ni Emil.
"Nagkikita
ba kayo ni Daddy bago siya namatay?" ang bigla kong naitanong sa kanya.
Hindi agad
nakasagot si Emil.
"Please
naman. Be honest naman sa akin kung talagang mahal mo ako." ang pakiusap
ko sa kanya.
"Yes, we
did several times. The night of your Dad's accident ay nagkita pa kami."
ang pagtatapat ni Emil.
"So it's
true that you and my Dad are having an affair. Bakit nyo nagawa sa akin
iyon?" ang pagsumbat ko kay Emil.
"That's
not true. Humihingi lamang ako ng payo sa Daddy mo. Yun bang payo ng isang ama
sa isang anak. Alam mo naman na hindi kami close ng father ko." ang tugon
ni Emil.
"Ganoon
lang ba iyon? Eh, inaaabot kayo ng madaling araw sa pag-uusap. Pag-uusap nga
lang ba ang ginagawa ninyo? Baka pati payo tugkol sa sex at actual na sex ay
ginagawa ninyo?" ang panunumbat kong muli kay Emil.
"Ganyan
na ba ang iniisip mo sa amin ng Daddy mo? Yes, I'll admit. We did it once noon
sa Baguio. I know gising ka noon at nakita mo kami. Pero yun ang first and last
namin. And I'm sorry for doing it. Malakas kasi ang sex appeal ng Daddy mo.
Hindi ako nakapagpigil. " ang paliwanag ni Emil.
"Sobrang
bait ng Daddy mo. Maswerte ka nga sa kanya. Alam mo ba ng umuwi ako galing
Baguio matapos kong malaman na makaka-graduate ako ay hindi man lamang natuwa
ang aking mga magulang. Lalo na si Daddy. Gusto kong umalis agad sa bahay ng
araw na iyon. Buti na lamang at nakausap ko ang Daddy mo. Sabik ako sa isang
tatay. Nakita ko iyon sa iyong Daddy. Sorry kung masama pala para sa iyo ang
nagawa kong iyon. Pero I swear, walang halong sex ang mga naging usapan
naming." ang dugtong pa ni Emil.
Sa mga
paliwanang ni Emil ay nakumbinse niya ako na totoo ang kanyang mga sanabi. Ako
naman ngayon ang nakaramdam ng pagkahiya sa aking paghihinala tungkol sa kanila
ni Daddy.
"I'm
sorry Emil. Nakapag-isip ako ng ganoon sa iyo. Sorry din po Dad sa paghihinala
ko sa inyo." ang nasabi ko sabay yakap kay Emil.
"It's
okey. Alam ko naman na nagawa mo yan dahil masama pa ang loob mo sa pagkawalang
sabay ng iyong mga magulang. Don't worry. I will always be here for you. And I
will always love you." ang nasabi naman ni Emil.
"Sorry
again, Emill. I love you too." ang nasabi ko na lamang sa kanya.
Matapos kong
sabihin iyon ay bigla niya akong hinalikan sa aking mga labi. Ang halikan
naming iyon ay nauwi sa isang mainitang pagtatalik mismo sa sala ng aming
bahay. Buti na lamang at walang bisitang dumating ng hapon ding iyon. Simula ng
araw na iyon ay doon na sa aming bahay nanirahan si Emil.
Bago pa man
nagbukas ang klase ay nakahanap na trabaho si Emil. Ako naman ay muling
nagpalipat sa isang unibersidad dito sa Metro Manila. Nagsama kaming dalawa ni
Emil na parang mag-asawa. Alam lahat ito ni Ninong kaya siya na rin ang naging
gabay naming at hingian ng payo sa tuwing may suliranin kami ni Emil. Akala
namin ay wala ng malaking problema ang darating sa aming dalawa. Muling
nasubukan ang aming relasyon ni Emil ng magkita kaming muli ni Walt.
ITUTULOY....
Subscribe to:
Posts (Atom)